Lumaktaw sa pangunahing nilalaman

Bigyang Katapusan ang Rasismo at Pagkamuhi: Iyong Karapatan. Iyong Responsibilidad.

Kontakin Kami

Makipag-ugnayan sa Resilience BC Anti-Racism Network Member sa iyong komunidad.

Makipag-ugnayan sa Resilience BC Hub sa: resilience@vircs.bc.ca

Ang Resilience BC Anti-Racism Network ay nagtatrabaho sa iba’t-ibang komunidad sa buong lalawigan. Natatanaw namin ang isang kinabukasan na malaya sa rasismo at pagkamuhi. Pinagsasama ng Resilience BC Anti-Racism Network ang mga komunidad upang sila’y magsumikap at magawang katotohanan ang pananaw na ito. Ang Resilience BC Hub ay pinamamahalaan ng Victoria Immigrant and Refugee Centre Society at ito’y nagbibigay ng suporta at coordination service sa network.

Nalalaman namin ang epekto ng sistemikong rasismo at ang pinsala na ginagawa nito sa pang araw-araw. Nagtuturo kami upang maunawaan ang isa’t isa, upang maunawaan ang ating mga kasaysayan, at upang magbigay ng mga kontribusyon sa lipunan. Nagsisikap kaming lansagin ang mga sistema na nagpapatuloy ng prejudice o pagtatangi, diskriminasyon, inequity o pagiging ‘di-pantay-pantay, at exclusion o pagbubukod.

Nalalaman namin na ang bawat tao sa ating komunidad ay may tungkulin sa pag-sugpo ng rasismo at pagkamuhi, mula sa taong may mataas na katungkulan hanggang sa isang bystander na nakasaksi sa isang insidente ng pagkamuhi. Ang lahat ay may pananagutan at ang lahat ay dapat managot. Ang Resilience BC Anti-Racism Network ay naririto para sa iyo. Hindi ka nag-iisa sa laban na ito.

Resilience BC Hub Manager:

Victoria Immigrant and Refugee Centre Society (VIRCS)

Ang Victoria Refugee and Immigrant Centre Society (VIRCS) ay isang non-profit na organisasyon na itinatag ng tatlong dating mga refugee noong Nobyembre 1989. Ang centre ay tumutulong sa mga imigrante, mga refugee, mga bagong mamamayan ng Canada, at mga miyembro ng racialized communities upang mamuhay at makibagay sila sa kanilang mga bagong buhay sa Greater Victoria. Patuloy na magbasa tungkol sa VIRCS.

Mga Partner:

Mga Taga-suporta: