Lumaktaw sa pangunahing nilalaman

Bigyang Katapusan ang Rasismo at Pagkamuhi: Iyong Karapatan. Iyong Responsibilidad.

Gumawa ng Reklamong May Kinalaman sa Mga Karapatang Pantao

Prinoprotektahan ng Human Rights Code ng BC ang mga karapatan ng tao sa British Columbia para sa pantay-pantay na pagtrato pagdating sa trabaho, pamamahay, mga serbisyo, o mga publikasyon.

Kung ang iyong mga karapatan ay nilabag at nais mong magreklamo, ang BC Human Rights Tribunal ay maaaring makatulong upang matugunan mo ang paglabag na ito.

Makipag-ugnayan sa BC Human Rights Clinic kung kailangan mo ng tulong sa iyong reklamo sa BC Human Rights Tribunal.

Kinikilala at inirerekomenda ng Office of the Human Rights Commissioner ng BC ang pagkilos upang tugunan ang sistemikong ‘di-pagkakapantay-pantay, diskriminasyon, at kawalan ng katarungan sa BC. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kanilang gawain, bisitahin ang kanilang site dito.