Bigyang Katapusan ang Rasismo at Pagkamuhi: Iyong Karapatan. Iyong Responsibilidad.
Magreport ng Krimen sa Galit
Magreport ng Isang Emergency Hate Crime
Upang magreport ng isang emergency, tumawag sa 911.
Ang ilang mga emergency na may kinalaman sa hate crime ay ang mga sumusunod:
- Isang krimen na kasakukuyang nagaganap;
- Isang tuwirang banta sa iyong kaligtasan;
- Isang tuwirang banta sa kaligtasan ng ibang tao; o kaya
- Ari-arian na tuwirang nanganganib na maging lugar ng isang krimen
Magreport ng Isang Non-Emergency Hate Crime
Upang magreport, tumawag sa non-emergency na numero ng iyong local police department, o bisitahin ang iyong local police department upang personal na gumawa ng ulat. Hanapin ang iyong local police department o RCMP detachment dito.
Ang ilang mga halimbawa ng mga pangyayaring hindi emergency na may kinalaman sa isang hate crime:
- Ikaw ay biktima ng isang hate crime ngunit walang tuwirang banta sa iyong kaligtasan;
- May ibang tao na biktima ng isang hate crime, ngunit walang tuwirang banta sa kaligtasan;
- Mga internet o social media post na may mga pagbabanta, na nagsusulong sa pagkamuhi, o na tumutukoy sa isang kriminal na kilos laban sa isang tao o ari-arian; o kaya
- Ang isang ari-arian ay tinarget ng isang hate crime.
Bakit Mahalaga na Magreport
Ang bawat tao sa British Columbia ay may karapatan na makaramdam ng kaligtasan at mamuhay nang walang takot o pagbabanta. Ang unang hakbang sa paglikha ng mga komunidad na malaya sa karahasan, rasismo at diskriminasyon, ay ang magreport ng krimen sa galit. Mayroon tayong karapatan at pananagutan na kumilos laban sa mga aktibidad ng pagkamuhi upang mapanatiling ligtas ang ating mga komunidad.
Kung ikaw ay isang target o isang saksi sa isang insidente ng rasismo o pagkamuhi, ireport ito sa pulis. Huwag pahintulutan na magkaroon ng lugar sa BC ang pagkamuhi.
Kung Hindi ka Sigurado Kung ang Iyong Naranasan o Nasaksihan ay isang Krimen sa Galit, Ireport Din Ito
Upang magreport ng isang insidente ng pagkamuhi, o hindi ka sigurado kung naganap ang isang krimen sa galit, mangyaring tumawag sa iyong lokal na police department, gamit ang non-emergency na numero. Maaari ka rin pumunta sa istasyon ng pulis at magbigay ng personal na ulat.
Ang pagreport ng anumang insidente, gaano man ito kaliit, ay napakahalaga. Ang iyong mga ulat ay makatutulong sa pulis at sa mga kaakibat sa komunidad na mas mahusay tukuyin ang mga inisyatibo sa iyong komunidad ukol sa pagpigil, edukasyon, at outreach. Ang mga ulat ay makatutulong din na malaman ang social trends at mapigilan ang posibilidad na ang mga ito’y magiging krimen.
Contact NumbersMga Krimen sa Galit sa BC
Ang BC Hate Crimes ay isang resource sa province na nagbibigay ng tulong at suporta sa mga local police department na nag-iimbestiga ng hate crimes at mga insidente ng pagkamuhi. Para sa tanong na hindi emergency na nauukol sa hate crimes o mga insidente ng pagkamuhi, mangyaring kontakin ang BC Hate Crime.
Email: BC_HATE_CRIMES@rcmp-grc.gc.ca
Telepono (libreng tawag): 1-855-462-5733