Ang rights-based approach ng Network para tugunan ang rasismo ay pinapatnubayan ng mga patakaran sa ibang bansa, sa ating bansa, at sa province; ito’y pinapatnubayan ng mga tawag sa pagkilos, at ng mga rekomendasyon
Bigyang Katapusan ang Rasismo at Pagkamuhi: Iyong Karapatan. Iyong Responsibilidad.
Mga Dokumento Tungkol sa mga Karapatang Pantao
Alamin ang Iyong mga Karapatan
Ang lahat ng tao ay ipinanganak nang pantay-pantay. Lahat tayo ay tao, at lahat tayo ay mayroong pare-parehong mga karapatang pantao.
Ang mga Karapatang Pantao ay mga pagpapahalaga, mga prinsipyo, at mga paniniwala na bumubuo sa batayan ng lipunan, komunidad, at mga sistema na nagsisiguro na ang lahat ng mga tao ay tatratuhin nang pantay-pantay.
Ang mga karapatang pantao ay pag-aari ng lahat ng tao, sa lahat ng panahon, sa lahat ng lugar — hindi mahalaga kung saan ka nakatira, kung ano ang kulay ng iyong balat, kung ano ang iyong lahi o etnisidad, kung ano iyong mga kakayahan, kasarian, sekswal na oryentasyon, gender identity, o kung ikaw ay mamamayan, imigrante, temporary resident, o bisita.
Ang lahat ng mga karapatang pantao ay pantay-pantay na mahalaga at hindi isang pribilehiyo na maaaring alisin ng sinuman. Ang mga karapatang pantao ay hindi gantimpala para sa mabuting asal; pag-aari natin sila dahil lamang tayo ay isinilang.
Ang iyong mga karapatan ay pinangangalagaan sa province, bansa, at sa ibang bansa:
- BC Human Rights Code
- BC Human Rights Tribunal
- BC Office of the Human Rights Commissioner
- Canadian Charter of Rights and Freedoms
- Canadian Human Rights Commission
- International Decade for People of African Descent: Implementation
- Reclaiming Power and Place: The Final Report of the National Inquiry into Missing and Murdered Indigenous Women and Girls
- Statistics Canada: Police-Reported hate crime in Canada, 2018
- Statistics Canada: Impacts of COVID-19 on Canadians: Data Collection Series
- Truth and Reconciliation Commission of Canada: Calls to Action
- United Nations Convention on the Rights of the Child
- United Nations Declaration on the Rights of Indigenous Peoples
- Universal Declaration of Human Rights
Alamin ang Iyong mga Responsibilidad
Kailangan natin lahat tanggapin ang pananagutan na tugunan ang discriminasyon, pagkamuhi, rasismo, o exclusion sa ating mga komunidad. Maaari tayong kumilos nang sama-sama.
- Unawain at pangalagaan ang iyong mga karapatan at ang mga karapatan ng iba.
- Lumikha ng mga mas ligtas na komunidad
- Maging isang aktibong saksi
- Ireport ang mga insidente ng rasismo at pagkamuhi