Lumaktaw sa pangunahing nilalaman

Bigyang Katapusan ang Rasismo at Pagkamuhi: Iyong Karapatan. Iyong Responsibilidad.

Anti-Racism Tools

Natatanaw namin ang isang kinabukasan na malaya sa rasismo at pagkamuhi. Ang Resilience BC Anti-Racism Network website ay may mga kasangkapan upang tulungan kang magsumikap at magawang katotohanan ang pananaw na ito.

Ang mga pananaw, mga opinyon, mga pagpapasiya, at/o mga mungkahi na ipinapahayag sa mga materyales na ito ay mula sa (mga) manunulat. Hindi naman ibig sabihin na ang mga materyales na ito ay naglalarawan sa opisyal na patakaran o posisyon ng Pamahalaan ng British Columbia o ng mga miyembro ng Individual Resilience BC network. At hindi naman ibig sabihin na itinataguyod o kinokompirma ng Pamahalaan ng British Columbia ang katunayan ng impormasyon na nasa mga materyales na ito.

Mayroon kang karapatan at responsibilidad na manirahan sa isang lipunang malaya sa rasismo at pagkamuhi. Para sa karagdagang impormasyon kung paano magawang katotohanan ang pananaw na ito, tingnan ang aming e-learning options.

Indigenous and Canadian Histories 101: What You Didn’t Learn in High School

Ang 45-minutong video na ito mula sa Rainwatch Consulting ay naglalahad ng maikli ngunit komprehensibong istorya ng mga karanasan ng mga Indigenous na tao sa Canada, ng mga patakaran na umapekto nang matindi sa kanilang mga komunidad, at ng kanilang istruktura ng sariling-pamamahala. Ang training na ito ay may kasamang patnubay sa kultura at terminolohiya. Ito’y nagkakahalaga ng $55.

Para sa Karagdagang Impormasyon

Knowing About the Land You Live On

Ang 2019 Teacher’s Guide (Patnubay para sa Guro) na ito mula sa Native Land Digital ay nagtatampok ng mga ehersisyo na magagamit ng mga guro para sa mga bata at sa mga may edad ng estudyante — mula sa pag-navigate sa mapa ng mga Indigenous na teritoryo hanggang sa pag-aaral tungkol sa Indigenous na kasaysayan at kultura, at pagtanggal ng kolonyalismo.

Para sa Karagdagang Impormasyon

Challenging Racist BC

Ang mga co-publisher na University of Victoria (Uvic) at ang Canadian Centre for Policy Alternatives (CCPA) ay naglunsad ng isang 80-pahinang isinalarawang aklat na pinamagatang “Challenging Racist ‘British Columbia’: 150 Years and Counting.” Ito ay nagdedetalye ng rasistang kasaysayan ng province at kung paano nakaapekto ang mga may-diskriminasyong patakaran sa mga Indigenous, Black, at Asian communities.

Para sa Karagdagang Impormasyon

Warrior Life

Ang website ng tanyag na abogadong Mi’kmaq na si Dr. Pam Palmater ay nagtatampok ng kanyang mga kasulatan at mga podcast mula sa kanyang mga interview sa mga Indigenous na pinuno at knowledge keepers na nagbibigay-liwanag sa mga isyu na umaapekto sa mga komunidad, Ang site ay nagbibigay rin ng mahabang listahan ng resources at mga rekomendasyon sa pagtutuon ng pansin sa mga kawalan ng katarungan laban sa mga Indigenous na tao.

Para sa Karagdagang Impormasyon

Whose Land is it Anyway? A Manual for Decolonization

Ang handbook na ito, na sinusuportahan ng British Columbia Federation of Post-Secondary Educators, ay sumusuri sa mga epekto ng kolonisasyon sa mga Indigenous na tao, at naglalandas ng decolonization at reconciliation. May kasama itong isang isinalarawang patnubay ukol sa pag-unawa sa mga hadlang at mga karapatan ng mga Indigenous na tao.

Para sa Karagdagang Impormasyon

Bystander Intervention Trainings

Ang mga interactive training na ito ng US-based Hollaback! ay nagtuturo ng 5D’s ng bystander intervention (pakikialam): distract, delegate, document, delay, at direct, upang sa gayon ay mas higit kang preparado at masy may kompiyansa ka sa susunod na beses na makasaksi ka ng isang insidenteng pagkamuhi o harassment (panliligalig) sa kalye, sa lugar ng trabaho, o online.

Para sa Karagdagang Impormasyon

Implicit Bias and Active Bystander Resources

Ang Kirwan Institute for the Study of Race and Ethnicity, isang interdisciplinary engaged research institute sa Ohio State University, ay nagbibigay ng mga libreng online workshop at mga aralin na nagtutuon ng pansin sa lahi at etnisidad. Kasama sa mga pagsasanay ang pagiging isang aktibong bystander, pagsasagawa ng trauma-informed care, at pagiging kakampi ng mga taong LGBTQ+.

Para sa Karagdagang Impormasyon

Anti-Racism Education

Ang CARED Collective (Calgary Anti-Racism Education) ay nagbibigay ng espasyo sa mga tagatulong upang tawagin ang pansin ng mga mag-aaral na gumagabay sa sarili sa paghamon sa rasismo, kabilang na ang pagbubuo ng bokabularyong anti-racism, pagiging isang anti-racism facilitator, at pagkupkop ng mga aksyon sa pag-aaral para sa higit pang engagement. Mayroon din itong isang malawak na glossary at mga resources.

Para sa Karagdagang Impormasyon

Call It Out

Ang 30-minutong interactive e-course na ito mula sa Ontario Human Rights Commission ay nagbibigay-daan sa iyo na mapag-aralan ang kasaysayan at epekto ng rasismo sa Canada. Ito ay tumutulong sa iyo na maunawaan ang mga pagpapahayag tulad ng “lahi,” “diskriminasyon dahil sa lahi,” at “white privilege” at kung paano mo mahahadlangan at mapagtutuunan ng pansin ang rasismo at pagkamuhi.

Para sa Karagdagang Impormasyon

Faces of Racism

Ang interactive resource na ito para sa Asian communities ay nagbibigay ng mga paraan sa pagtugon sa banayad na rasismo, maging ito man ay nararanasan sa publiko, sa paaralan, o sa trabaho. Ang website na ito, na isinalin sa anim na wika, ay may isang Discussion Pack na magagamit at mapag-iisipan, nang sa gayon ay ay makatugon sila sa mga microagression at maharap nila ang rasismo kapag ito’y nangyayari.

Para sa Karagdagang Impormasyon

Bakau Resources Toolkit

Binuo ng Bakau Consulting, isang anti-racism consulting company, ang toolkit na ito bilang isang malalim na gabay nang maunawaan ang diversity at inclusion at ang mga panuntunan ng anti-oppression; paggambala sa ‘di-namamalayang bias; pagtanggal sa anti-Blackness; at pag-aaral kung paano lansagin ang rasismo sa pamamagitan ng pagsusuri sa pinagmumulan ng problema ng Canada ukol sa lahi.

Para sa Karagdagang Impormasyon

Everyday Feminism Online School

Ang U.S.-based educational platform na ito ay nagbibigay ng training at mga klase mula sa pagtataas ng kamalayan sa mga isyu tulad ng white guilt at internalized whiteness hanggang sa pag-aaral kung paano magbuo ng isang organisasyon laban sa rasismo, at sa pagpapahusay ng trabaho laban sa rasismo.

Para sa Karagdagang Impormasyon

Trainings for Gender-diverse Youth

Ang grupong ito na nasa Toronto ay naghahatid ng mga workshop sa paglikha ng mga learning and unlearning spaces para sa mga Black, Indigenous, at racialized na kababaihan at kabataang gender-diverse. Ang layunin ng kanilang intersectional approach ay ang lansagin ang opresyon at itaguyod ang pangangalaga sa sarili.

Para sa Karagdagang Impormasyon

Dismantling Anti-Black Racism in Schooling and Education

Ang Centre for Integrative Anti-Racism Studies (CIARS) ng University of Toronto ay naglathala ng bagong resource booklet na may mga aklat, webinars, mga dokumentaryo, at toolkits ukol sa mga karanasan ng Black communities sa Canada at ang anti-Black racism.

Para sa Karagdagang Impormasyon

Makipagkonekta sa mga pagsisikap laban sa rasismo at laban sa pagkamuhi sa Canada at sa buong mundo.

Act2EndRacism

Ang layunin ng pambansang koalisyon ng mga mamamayan at mga grupong pangkomunidad ay ang pagtugon sa lumalaláng anti-Asian na rasismo at karahasan dahil sa COVID-19. Itinataguyod ng network ang mga komunidad at mga miyembro sa buong Canada sa pamamagitan ng mga advocacy materials at resources sa kanilang website.

Para sa Karagdagang Impormasyon

Canadian Anti-Hate Network

Ang layunin ng Canadian Anti-Hate Network ay ang ilantad at lansagin ang mga hate group sa Canada. Ipinapaliwanag ng website nito kung ano ang ibig sabihin ng “hate group” at kung paano masusubaybayan, mapipigilan o mai-dodokumento ng publiko ang mga aktibidad na nagtataguyod sa bigotry, rasismo at karahasan.

Para sa Karagdagang Impormasyon

Canadian Race Relations Foundation

Ang Canadian Race Relations Foundation ay nag-aalok ng anti-racism platform sa pamamagitan ng mga video, mga webinar, at research. Noong 2019, nagpalabas ito ng makabagong pag-aaral ukol sa mga relasyon ng mga lahi sa Canada, upang masukat ang mga pag-uugali at mga karanasan ng racialized at non-racialized na mga tao.

Para sa Karagdagang Impormasyon

Centre for Diversity and Innovation

Ang Centre for Diversity and Innovation ay ang inspirasyon ng North Shore Multicultural Society at itinataguyod ito ng North Shore Immigrant Inclusion Partnership; ang Centre for Diversity and Innovation ay may resources hinggil sa paglalansag ng rasismo. Kasama rito ang anti-Black racism at rasismong nauugnay sa COVID-19. Ang mga listahan nito ng babasahín ay nag-aalay ng suporta sa mga taong nakararanas ng rasismo; ito rin ay may mga depinisyon ng mga termino hinggil sa anti-racism at may mga mahahalagang istratehiya sa pagtatag ng mga espasyong inklusibo. Ang centre ay nag-aalok din ng DEI workshops.

Para sa Karagdagang Impormasyon

Cold Tea Collective

Ang Cold Tea Collective ay isang media platform at komunidad para sa, ng, at ukol sa Asian millennials. Ito’y may iba’t-ibang resources — mula sa mga kuwento upang maunawaan ang mga konsepto ng lahi at rasismo, tools upang magdibelop ng practical skills sa paglaban sa racial prejudice sa mga kalye o sa mga ‘di-pantay-pantay na mga kagawian sa trabaho, hanggang sa mga materyales upang masuri ang pinagmulan ng sistemikong rasismo at ang kasaysayan ng Asian Canadians.

Para sa Karagdagang Impormasyon

Elimin8Hate

Ang Vancouver Asian Film Festival Society at Project 1907 ay nagbibigay ng anonymous na reporting platform para sa Canadians na may mga ninunong Asyano na dumaranas ng mga anti-Asian hate na insidente. Ang layunin nila ay ang pagsama-samahin ang datos at resources at ang pagtaguyod sa pagkakaroon ng pananagutan at sa pagbabago.

Para sa Karagdagang Impormasyon

Hogan Alley Society

Ang organisasyon ay naglalaan ng anti-Black resources na partikular para sa Canada. Ang site ay nagbibigay din ng paraan para makalahok sila sa kanilang Metro Vancouver Regional District Black Experience Project; ipinapakita nito ang mga karanasan, mga kontribusyon, at mga pagsusubok ng mga tao sa Metro Vancouver na may mga ninunong Aprikano.

Para sa Karagdagang Impormasyon

I Dream Library

Ang website na ito ay may educational tools na nagtataguyod sa 2SLGBTQQIA+ IBPOC representation sa mga silid-aralan at mga aklatan. Ito ay may mga listahan ng babasahín para sa mga batang nasa pre-kindergarten at Grade 8+; kabilang sa mga listahan ng babasahín ang mga aklat tungkol sa katarungang panlipunan at sekswal na oryentasyon at gender identity (SOGI), at iba pang educator at peer-led resources.

Para sa Karagdagang Impormasyon

Project 1907

Ang Project 1907 ay isang grassroots na grupo ng mga kababaihang Asyano. Ito’y may mahabang listahan ng resources ukol sa Anti-Asian racism at ang kasaysayan nito, decolonization at Indigenous allyship, cross-racial solidarity at movement building, anti-racism workshops, at self-care at healing support services. Kasama ng Vancouver Asian Film Festival, ang Project 1907 ay naglalabas ng mga regular na pag-uulat ng mga rasistang insidente sa buong bansa; ito rin ay nagbibigay-pansin sa mga trend, at naglalabas ng mga panawagan sa komunidad na kumilos ito sa pamamagitan ng Racism Incident Reporting Centre nito.

Para sa Karagdagang Impormasyon

Racism: It Stops With Me

Ang kampanya ng Australian Human Rights Commision laban sa rasismo sa isport ay may resources at videos tungkol sa kung paano maaring kumilos ang mga indibidwal laban sa rasismo. Panoorin ang trailer ng pelikulang The Australian Dream.

Para sa Karagdagang Impormasyon

Raising Race Conscious Children

Ang platapormang ito ay para sa adults na nakikipag-usap sa mga munting bata tungkol sa lahi. Nabibilang sa anti-racism resources ang workshops, webinars, podcasts, mga stratehiya, at mga kuwento na nakalathala sa blog nito. Tingnan ang listahan nito ng “100 race-conscious things you can say to your child to advance racial justice“ (“100 mga bagay ukol sa kamalayan ng lahi na maari mong sabihin sa iyong anak upang pahusayin ang katarungang panlahi.”)

Para sa Karagdagang Impormasyon

Anti-Racism Zine

Ang mental health hub na ito para sa Asian communities sa Canada ay sumusuporta sa mga indibidwal na nakakaranas ng anti-Asian hate crimes at mga insidente. Ito’y may mental health services, crisis lines, at mental health resources tulad ng workbook na “Cultivating Growth and Solidarity“, na naghahantad sa rasismo at nagbibigay ng patnubay sa mga hakbang na dapat gawin kung may anti-racism na pangyayari.

Para sa Karagdagang Impormasyon

Paano ba ako magiging anti-racist? Ano ang sistemikong rasismo at paano ako naaapektuhan nito? Ano ang aking tungkulin bilang isang ally o kasangga? Kung tinatanong mo ito sa iyong sarili, ang listahang ito ng mga video, podcasts at mga aklat ay mainam para sa iyo. Tipunin mo ang iyong mga kaibigan, mag-host ka ng isang online watch party o magsimula ng isang virtual book club upang makisali sa paglikha ng isang kinabukasan na malaya sa rasismo at pagkamuhi.

21 Things You May Not Know About the Indian Act: Helping Canadians Make Reconciliation with Indigenous Peoples a Reality

isinulat ni Bob Joseph

Since its creation in 1876, the Indian Act has shaped, controlled, and constrained the lives and opportunities of Indigenous Peoples, and is at the root of many enduring stereotypes. Bob Joseph’s book comes at a key time in the reconciliation process, when awareness from both Indigenous and non-Indigenous communities is at a crescendo.” – Indigenous Relations Press, publisher

Basahin Dito

The Reconciliation Manifesto: Recovering the Land, Rebuilding the Economy

isinulat ni Arthur Manuel at ni Grand Chief Ronald Derrickson

This book challenge[s] virtually everything that non-Indigenous Canadians believe about their relationship with Indigenous Peoples and the steps that are needed to place this relationship on a healthy and honourable footing. Manuel and Derrickson offer an illuminating vision of what Canada and Canadians need for true reconciliation.” – Lorimer Publishing, publisher

Basahin Dito

Unsettling the Settler Within: Indian Residential Schools, Truth Telling and Reconciliation in Canada

isinulat ni Paulette Regan

In Unsettling the Settler Within, Paulette Regan, a former residential-schools-claims manager, argues that in order to truly participate in the transformative possibilities of reconciliation, non-Aboriginal Canadians must undergo their own process of decolonization. They must relinquish the persistent myth of themselves as peacemakers and acknowledge the destructive legacy of a society that has stubbornly ignored and devalued Indigenous experience.” – UBC Press, publisher

Basahin Dito

Seven Fallen Feathers: Racism, Death, and Hard Truths in a Northern City

isinulat ni Tanya Talaga

Using a sweeping narrative focusing on the lives of the students, award-winning investigative journalist Tanya Talaga delves into the history of this small northern city that has come to manifest Canada’s long struggle with human rights violations against Indigenous communities.” – House of Anansi, publisher

Basahin Dito

Between the World and Me

isinulat ni Ta-Nehsi Coates

Americans have built an empire on the idea of ‘race,’ a falsehood that damages us all but falls most heavily on the bodies of black women and men—bodies exploited through slavery and segregation, and, today, threatened, locked up, and murdered out of all proportion. What is it like to inhabit a black body and find a way to live within it? Between the World and Me is Ta-Nehisi Coates’s attempt to answer these questions.” – Penguin Random House, publisher

Basahin Dito

The Skin We're In

isinulat ni Desmond Cole

Puncturing the bubble of Canadian smugness and naive assumptions of a post-racial nation, Desmond Cole chronicles just one year—2017—in the struggle against racism in this country. It is a vital text for anti-racist and social justice movements in Canada.” – Penguin Random House Canada, publisher

Basahin Dito

How to Be Antiracist

isinulat ni Ibram X. Kendi

In How to Be an Antiracist, Kendi takes readers through a widening circle of antiracist ideas—from the most basic concepts to visionary possibilities—that will help readers see all forms of racism clearly, understand their poisonous consequences, and work to oppose them in our systems and in ourselves.” – Penguin Random House, publisher

Basahin Dito

Anti-Racist Reading List from Ibram X. Kendi

Published isinulat ni the Chicago Public Library

How to Be an Antiracist author Ibram X. Kendi puts together a reading list of more than 60 books for people starting their anti-racist journey.

Basahin Dito

My Grandmother's Hands: Racialized Trauma and the Pathway to Mending Our Hearts and Bodies

isinulat ni Resmaa Menakem

My Grandmother’s Hands is a call to action for all of us to recognize that racism is not about the head, but about the body, and introduces an alternative view of what we can do to grow beyond our entrenched racialized divide.” – Central Recovery Press, publisher

Basahin Dito

So You Want to Talk About Race

isinulat ni Ijeoma Oluo

In So You Want to Talk About Race, Ijeoma Oluo guides readers of all races through subjects ranging from intersectionality and affirmative action to ‘model minorities’ in an attempt to make the seemingly impossible possible: honest conversations about race and racism, and how they infect almost every aspect of American life.” – Seal Press, publisher

Basahin Dito

White Fragility: Why It's So Hard for White People to Talk About Racism

isinulat ni Robin DiAngelo

In this in-depth exploration, DiAngelo examines how white fragility develops, how it protects racial inequality, and what we can do to engage more constructively.” – Beacon Press, publisher

Basahin Dito

Uprooting Racism: How White People Can Work For Racial Justice (4th ed.)

isinulat ni Paul Kivel

This 4th edition of Uprooting Racism provides practical tools and advice on how white people can work as allies for racial justice, engaging the reader through questions, exercises, and suggestions for action, and includes a wealth of information about specific cultural groups such as Muslims, people with mixed-heritage, Native Americans, Jews, recent immigrants, Asian Americans, and Latino/as.” – New Society Publishers, publisher

Basahin Dito

Me and White Supremacy

isinulat ni Layla F. Saad

This eye-opening book challenges you to do the essential work of unpacking your biases, and helps white people take action and dismantle the privilege within themselves so that you can stop (often unconsciously) inflicting damage on people of color, and in turn, help other white people do better, too.” – Sourcebooks, publisher

Basahin Dito

Until We Are Free: Reflections on Black Lives Matter in Canada

Inedit ni Rodney Diverlus, Sandy Hudson, at Syrus Marcus Ware

Until We Are Free contains some of the very best writing on the hottest issues facing the Black community in Canada. It describes the latest developments in Canadian Black activism, organizing efforts through the use of social media, Black-Indigenous alliances, and more.” – University of Regina Press, publisher

Basahin Dito

The Vanishing Half

isinulat ni Brit Bennett

A stunning new novel about twin sisters, inseparable as children, who ultimately choose to live in two very different worlds, one black and one white. The Vanishing Half considers the lasting influence of the past as it shapes a person’s decisions, desires, and expectations, and explores some of the multiple reasons and realms in which people sometimes feel pulled to live as something other than their origins.” – Riverhead Books, Penguin Random House, publisher

Basahin Dito

The Ultimate List of Diverse Children’s Books

isinulat ni Here Wee Read

Founder of Here Wee Read and Diversity & Inclusion expert Charnaie Gordon offers a comprehensive, diverse list of books for infants, toddlers, preschoolers, and early elementary readers.

Basahin Dito

The Skin We're In

Sinisiyasat ng video na ito kung ano ang ibig sabihin ng pagiging Black sa 21st century Canada; itinatampok nito si Desmond Cole, ang manunulat ng The Skin We’re In.

Panoorin Dito

How To Be Antiracist

Sa diskusyon na ito sa The Aspen Institute, sinisiyasat ni Ibram X. Kendi, manunulat ng How To Be Antiracist, ang mga katangian ng isang anti-racist na lipunan.

Panoorin Dito

So You Want To Talk About Race

Tinatalakay ni Ileoma Olou ang kanyang aklat na “So You Want To Talk About Race”, sa “Talks at Google”.

Panoorin Dito

The phenomenon of White Fragility

Si Dr.Robin DiAngelo ng University of Washington ay bumabasa mula sa kanyang aklat habang ipinapaliwanag niya ang white fragility sa Seattle Channel

Panoorin Dito

Me and White Supremacy

Binabahagi ng manunulat na si Layla Saad ang kanyang paglalakbay sa pagsulat ng “Me and White Supremacy”, isang aklat tungkol sa kung paano maging anti-racist at kung paanong mahihigtan pa ng mga komunidad ang performative allyship.

Panoorin Dito

How Unintentional but Insidious Bias Can Be the Most Harmful

Tinatalakay ni Derald Wing Sue ng Teachers College at Columbia University kung paano nakakapinsala ang mga di-sinasadya ngunit masamáng racial bias na inihahayag sa pamamagitan ng mga microaggression.

Panoorin Dito

The Australian Dream

Sa pamamagitan ng pananaw ng paglalakbay ni Adam Goodes, ang leyenda ng Indigenous Australian Football League, sinisiyasat ng documentary na ito ang lahi, identidad, at pagkadama ng pagiging kabilang sa Australia ngayon.

Panoorin Dito

Unmasking Racism – What Are We Going to Do About It?

Panoorin ang CBC Virtual Town Hall na ito ukol sistemikong rasismo at siyasatin ang mga solusyon upang magtatag ng mga mas ligtas at mas inklusibong komunidad.

Panoorin Dito

Anti-Racism Files

Ang National Film Board of Canada ay may koleksyon ng mga pelikula na humaharap sa rasismo sa bansa.

Panoorin Dito

Legos and the 4 I's of Oppression

Ano ang 4 I’s (ang apat na I) ng opresyon? Pag-aralan kung paano lansagin ang opresyon sa pamamagitan ng Lego video na ito ng Western Justice Center. Kung nais mo ng impormasyon tungkol sa kung paano gumaling mula sa internalized oppression, narito ang isang guide.

Panoorin Dito

All Our Relations: Finding the Path Forward

2018 Massey Lectures

In the 2018 CBC Massey Lecture series, titled All Our Relations: Finding the Path Forward, prize-winning journalist Tanya Talaga (author of Seven Fallen Feathers) explores the legacy of cultural genocide against Indigenous peoples.

Pakinggan Dito

Seven Truths

Audible.ca

Audible.ca recently launched an audio series, Seven Truths, where Talaga shares her personal story of fighting for Indigenous rights, conversations on challenges First Nations communities face, and reflections of Elders on Canadian history.

Pakinggan Dito

Code Switch

mula sa National Public Radio

The series engages listeners in fearless, uncomfortable conversations about race where each member of the multi-racial and multi-generational team of journalists tackles the subject of race and racism with nuance and depth.

Pakinggan Dito

MediaINDIGENA

This weekly current affairs podcast features varied topics that confront Indigenous communities — from the history of genocide in Canada, dismantling colonialism, to everyday challenges that communities face.

Pakinggan Dito

Missing and Murdered

mula sa CBC News

This eight-part podcast series investigates the cold cases of missing and murdered Indigenous women and highlights the need to implement the Calls to Action in the “Final Report of the National Inquiry on Missing and Murdered Indigenous Women and Girls” (MMIWG).

Pakinggan Dito

Residential Schools

mula sa Historica Canada

This three-part podcast looks into the history and legacy of residential schools and its impact on First Nations, Métis, and Inuit survivors and their communities.

Pakinggan Dito

The Secret Life of Canada

Gamit ang CBC Podcast

This podcast series spanning 10 years features stories about Canada that’s not otherwise covered in history books.

Pakinggan Dito

Mayroon kang karapatan at responsibilidad na manirahan sa isang lipunang malaya sa rasismo at pagkamuhi. Alamin mula sa mga researcher at mga eksperto kung paano tayo maaaring magtulungan upang gawing katotohanan ang pananaw na ito.

Race Relations in Canada 2019 Survey

isinagawa ng Environics Institute for Survey Research and Canadian Race Relations Foundation

Basahin ang Resource Dito

How Do We Solve Structural Racism?

Ipinapakita ng accessible na Yellowhead Institute paper na ito na sa loob ng nakaraang 30 taon, sari-saring mga pagsisiyasat at mga komisyon ang kumilala ng mahigit sa 1,000 rekomendasyon bilang tugon sa structural racism na hinaharap ng mga Indigenous na tao sa Canada. Ang mga solusyon ay nakalaan sa mga kategorya ng limang maiikling paksa.

Basahin ang Resource Dito

Indigenous Ally Toolkit

Ang Montreal Indigenous Community NETWORK, sa pamamagitan ni Leilani Shaw, ay nag-aalok ng isang madaling basahing 3-step toolkit kung paano maging mas mabuting kakampi ng mga Indigenous na tao. Ang dokumentong ito ay magpapatnubay sa iyo sa iyong pag-aaral, self-reflection, at pagkilos.

Basahin ang Resource Dito

Decolonize First, a Liberating Guide & Workbook

Ang 16 na pahinang workbook ni Ta7taliya Michelle Nahanee ay magbibigay-suporta sa iyong paglalakbay sa decolonization sa pamamagitan ng pagbigay ng anti-oppression tools upang mahantad at mabago ang mga kolonyal na epekto.

Basahin ang Resource Dito

Truth and Reconciliation Commission of Canada: Calls to Action

Pagkatapos ng anim-na-taong proseso ng pagbuo ng isang ulat na nagdodokumento ng katotohanan tungkol sa residential school survivors, mga pamilya, at mga komunidad na naapektuhan ng Indian Residential School System, ang Truth and Reconciliation Commission of Canada ay nagpalabas noong 2015 ng 94 Calls to Action. Ang pamana ng mga residential school ay makikita sa matindi at sistematikong rasismo na nararanasan ng mga Indigenous na tao hanggang sa kasalukuyan.

Basahin ang Resource Dito

Reclaiming Power and Place: The Final Report

Ang National Inquiry into Missing and Murdered Indigenous Women and Girls (MMIWG) ay naglathala noong 2019 ng isang ulat na bumabalangkas sa 231 mga hakbang na kinakailangang gawin ng mga pamahalaan at mga indibidwal upang bigyang katapusan ang karahasan laban sa mga Indigenous na kababaihan, mga batang babae, at mga 2SLGBTQQIA, upang hayaang managot ang mga may kasalanan na kumikilos nang buong laya, at upang tugunan ang mga sanhi ng patuloy na genocide na ito.

Basahin ang Resource Dito

What We Heard About Poverty in B.C.

Nakasulat sa report ng pamahalaan ang mga karanasan ng mga taong sa BC na namumuhay sa karalitaan, pagkatapos ng isang komprehensibong proseso ng konsultasyon noong 2017. Ito ay nauwi sa paglikha ng unang istratehiya ng BC sa pagbawas ng karalitaan; layunin nitong tugunan ang mga hadlang sa sistema sa pag-access ng abot-kayang pamamahay, katarungan, naangkop na pangangalaga sa kalusugan, at paghanap ng trabaho. Binibigyang-ddin ng report ang mapanirang epekto ng rasismo laban sa mga Indigenous, Black and People of Colour (IBPOC), na nauuwi sa napakatinding kahirapan kapag nag-a-access sila ng mga serbisyo.

Basahin ang Resource Dito

A Human Rights Commission for the 21st Century – British Columbians talk about Human Rights

Noong 2017, ang Province ng British Columbia ay nagpaganap ng mga pampublikong konsultasyon hinggil sa kalagayan ng mga karapatang pantao sa British Columbia. Ang report na ito, na ibinatay sa mga resulta ng mga nabanggit na konsultasyon, ay nagbibigay ng mga rekomendasyon para sa modelo, scope, at mga priyoridad ng bagong Human Rights Commission (Komisyon ng mga Karapatang Pantao) ng province.

Basahin ang Resource Dito

Disaggregated demographic data collection in British Columbia: The grandmother perspective

Noong Setyembre 2020, ang Office of the Human Rights Commission (BCOHRC) ng BC ay naglathala ng isang 104-pahinang report na nagbibigay ng isang balangkas ng koleksyon ng disaggregated data batay sa “the grandmother perspective” (“mula sa pananaw ng isang lola”). Ang report ay nagbibigay ng mga rekomendasyon para sa province ukol sa pagbuo nito ng isang policy initiative para sa koleksyon ng race-based, Indigenous, at iba pang disaggregated upang tugunan ang sistemikong rasismo.

Basahin ang Resource Dito

In Plain Sight: Addressing Indigenous-specific Racism and Discrimination in BC Health Care

Ang report na ito mula sa dating Judge na si Dr. Mary Turpel-Lafond ay batay sa mga konsultasyon sa halos 9,000 na mga tao, kabilang ang mga Indigenous na pasyente, mga miyembro ng pamilya, third-party witnesses, at health care workers, at ng isang walang uliran na pagsusuri ng health data. Ang pagsusuri ay nakakita ng malinaw na ebidensiya ng laganap na interpersonal at sistemikong rasismo na may masamáng epekto hindi lamang sa mga karanasan ng pasyente at ng mga pamilya kung ‘di rin sa pangmatagalang kalusugan ng mga Indigenous na tao. Ang report ay nagbibigay ng 24 na rekomendasyon upang tugunan ang problema sa sistema na sanhi ng kolonyalismo.

Basahin ang Resource Dito